Monday, January 18, 2010

Reklamo ng mga trainee bilang card dealer sa Pagcor dumagsa?

Sir, isa po ako sa masugid na tagasubaybay ng inyong kolum Misyon Aksyon sa Abante. Nabasa ko po ang lumabas na kolum ninyo noong December 22, 2009 na “Trabaho sa Pagcor na card dealer peke” na maipaabot para malaman kung totoo sa dahilang mas marami ang nagbabakasakali at ‘di alintana ang laki ng perang magagastos sa dahilang kung ikaw nga naman ay mapasok tiyak parang nag-abroad ka na bukod sa sahod mas malaki ang makukuha mong tip kaya kailangan bago ka makapasok tiyak mga bigating pulitiko ang dapat na “backer” para siguradong pasok ka sa Pagcor.


Tama po. Buwan ng Abril, isa po ako sa nag-undergo ng walong buwang training sa ilalim ng “LYNX Casino” ang kanilang opisina ay malapit sa tabi ng DFA na isang foreign national, Greek, ang siyang nangangasiwa at ang ka-partnership ay ang Pagcor. Kapag ikaw ay nakatapos sila ang magrerekomenda na maging empleyado ka ng Pagcor sa Pinas o sa ibang malalaking casino sa mundo sa dahilang kilala ang nasabing agency na nagha-handle ng training.


Sa bawat araw na iyong training ay may babayaran kada araw para turuan kung papaano ka maging card deale­r. Sa loob ng isang buwan, papasok ka ng 20 days kaya ang babayaran mo ay Php500.00 kada araw. Samakatuwid sa loob ng isang buwan ay Php10,000 at walong buwan ang ipinasok mo ay Php80,000 ang kabuuang gastos para maging isang mahusay na card dealer.


Hindi ka naman tatanggapin ng Pagcor na maging empleyado ng casino kung hindi mo tatapusin ang walong buwan na training na ibinigay ng LYNXY Casino.

Ang masaklap po nito, humigit-kumulang sa 700-katao na ang pumasok at dumaan sa kanilang training at ni isa ay wala pong naging empleyado ng Pagcor.


Samantalang nu’ng bago pa lamang kaming mag-undergo ng training, ipinakikita sa amin ang kanilang MOA kung papaano makakapasok sa nasabing ahensiya at sila lamang ang may karapatan na magsagawa ng training na papasok o magiging empleyado nila o ng Pagcor sa buong Pilipinas.


Ang ganitong raket ng umano’y taga-Pagcor at isang foreign investor ay nakakabahala sa dahilang imbes na makatulong ang Pagcor sa mga Pilipinong nagnanais na makapasok sa nasabing ahensiya, sila pa ang ginagawang instrumento dahilan para makapanloko.


Lubos po kaming umaasa na makakarating ito kay Pagcor Chairman Efraim Genuino.


Gumagalang,
Ms. Mutya

Paging again Pagcor Chairman and CEO Efraim C. Genuino, sir, pakiimbestigahan naman po ang kumpanyang “LYNYX CASINO”.


‘Di po ba’t nakakabahala ang ganitong raket na isinasangkot umano ang inyong ahensiya samantalang kayo po ang ahensiya na mapagkawanggawa?

At sa LYNX Casino, bukas po ang aking kolum sa inyong panig at kapaliwanagan.

Saturday, January 2, 2010

MTDEU nagpaliwanag at Kapitan sa San Antonio Poblacion Nabua uliran sa serbisyo!

Arnel Petil

Nilawanag ni Supt. Rizaldy Yap ng Manila Traffic District Enforcement Unit (MTDEU) ang paratang sa kanya na hindi niya tinarahan bagkus ambag lamang ang tig-P1,000 ng bawat sector commanders sa dahilang ito ay Christmas party ng MTDEU.

Katunayan ang 25 sako ng bigas ang kabuuang nakuhang donation sa iba’t ibang nagbigay ng boluntaryo sa MTDEU pero ipinamahagi ito at ipina-raffle sa tao at walang natira na bigas sa kanilang Christmas party at ang catering naman ay kanyang sinagot katuwang ang De puty Commander na si Police PSI Nava kaya hindi totoo ang mga paratang sa akin.

Kaya umaasa po ako na sana ay maunawaan ng mga taga-MPD Traffic ayon pa kay Supt. Yap.

***

Saludo ang Misyon Aksyon kay Kapitan Ruben Pasion ng San Antonio Nabua, Camarines Sur nang makausap ng inyong lingkod ang isa sa kanyang kabarangay at ipinagmalaki ang programa na ginawa sa loob ng u nang termino bilang kapitan ng Barangay San Antonio Nabua CamSur.

Nakapagpagawa ng kanyang proyekto mula sa barangay development fund at 20 percent mula sa non-political exclusive fund makaraan ipagawa niya ang mga proyektong Balayan Creek Foot bridge shortcut road ng mga taga-San Esteban at pinakikinabangan ng mga magsasaka.


Ang San Antonio waiting shed, zone marker, 115 meters na concrete road at pagtatayo ng botika ng barangay na abot- kaya ang halaga.

Nabatid ko rin na hindi sapat ang kanilang pondo pero ginawan ito ng paraan para makapaglingkod at ipinakita ng kapitan ang kanyang kakayahan bilang isang lider na dapat maglingkod sa kanyang kabarangay at hindi korap syon ang gawin.

Hindi gaya ng chief of police ng Nabua na hindi mapa sara ang isang videoke na inirereklamo ng mga magulang dahilan sa ang mga customer ay mga estudyante na maagang natutong uminom na pag-aari umano ng isang guro na malakas sa mayor ng Nabua ang siyang pinangangalandakan kaya muli itong binuksan ng ipasara dati ng chief of police pero patuloy ang pamamayagpag.
Sana po ay mabigyan ng aksyon ang aming reklamo.

Gumagalang,
Concern citizen

Kaya kay Barangay Captain Ruben Pasion, sir saludo po ang Misyon Aksyon sa inyong pagseserbisyo publiko na kung kasing tulad po ng inyong kakayahan at pag-iisip ang bayan ng Nabua tiyak ay uunlad ng mabilis at magiging huwaran sa buong CamSur. Kaya sana ipagpa tuloy po ang inyong serbisyo bilang isang kapitan ng barangay, kay Mayor Simbulan pakiimbestigahan naman po ang inirereklamong videoke na umano’y malakas sa inyong tanggapan.
Bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwanagan.

***

Binabati ko ng best wishes sina Mr. Steve Sarmiento & Ms. Mary Joy de Venecia sa kanilang kasal noong December 28, 2009 na ginanap sa may Project 2 & 3 INC chapel pagbati mula sa kanilang mga ninong at ninang na sina Sonia Rongero, Robert Rongero, Nelly Delfino, Cezar Cadag, Carina Isip, Antonio Cuevas, Michelle Man zano, Arnel Petil, Nimpha Hebrew at Emerito Mabunga. Harapin ninyo ang panibagong yugto ng inyong buhay at pagpalain nawa kayo ng poong maykapal.